Isang Paglalakbay sa TAGAYTAY!
Nalaman ko na wala palang pasok ng April 6, 2009, Kaya napag isip isip ko kung saan puwedeng mag stay for three days and two nights sa isang lugar na malapit lang. Ang nasa isip ko ay Baguio at Tagaytay, pinaghambing ko ang dalawa at sa ilang araw na pagsisiyasat ay TAGAYTAY ang napili kong lugar. So umpisa na ang pag reresearch uli sa mga maaring magastos gaya ng pamasahe, stay sa hotel, food, at iba pa, mga puwedeng lugar na puntahan sa TAGAYTAY. March 24, nag research muna ako sa hotel na puwede kong matuluyan, at View park hotel ang napili ko dahil ito ay sa harap lamang ng PICNIC GROVE!. May kamahalan dito mga nasa 1,800 ang stay from 2pm to 12nn, may kasama na siyang breakfast.
Sumunod na siniyasa't ko ang mga lugar na puwedeng puntahan at ang mga napili ko ay
PICNIC GROVE
PEOPLE'S PARK IN THE SKY
CALERUEGA (CHURCH OF TRANSFIGURATION)
PINK SISTER'S CONVENT
Sa restaurant naman ay medyo may mga prospect pa lang
LESLIE'S
ANTONIO'S
RSM
Josephine Restaurant
VIEW SITE RESTO
While doing some research I texted the manager of VIEW PARK HOTEL para makapag pa reserve for APRIL 4, 2009 na date. Ito ung napili ko kasi sa harap lang ng picnic grove eh at sa picture parang maganda ung place at ung rooms. Nag reply naman siya to confirm my reservation.
Pagkatapos mag pa reserved research pa rin ako sa mga place how to get there, nagbasa ako ng mga THREAD SA FORUM para maka get ng informations sa mga story din ng mga ibang nakapunta na sa TAGAYTAY, some experiences din nila. Nag download din ako ng map para ma familiarize din ako dito ang ma imagine ko ung lugar na pupuntahan ko. Download din ako ng mga picture place na pupuntahan ko.
After getting all the necessary informations, Its time to make an Iterinary. For me kasi malaki ang tulong ng iterinary eh, dito kasi nakasaad ung time, place, estimated budget, mga gagawin and things to bring. In short ito ung plan or time frame para hindi masayang ung mga oras, kasi baka pag dating nyo sa isang lugar nakatunganga lang kayo eh nung nasa manila kayo ang dami nyong plans na gawin. Hindi ako sanay na walang iterinary kapag maglalakbay ako, nakuha ko itong strategy na ito sa kabarkads ko last year! and its very helpful.
Day 1 (Saturday)
Handa na ang lahat ng kailangan ko, umalis ako ng bahay bandang 4:55 am. Siya nga pala merong apat na way papuntang TAGAYTAY kung mag co commute ka at ito ung mga alam kong way
-CUBAO BUS TERMINAL (harap ng alimall) sign board (TAGAYTAY. OLIvAREZ. MENDEZ) every hour ang biyahe starting from 6am 10pm
-STAR MALL
-PASAY BUS (likod ng MCDO) sign board (LIAN, NASUGBU BATANGAS) every hour ang biyahe starting from 6am 10pm
-METROPOINT -VAN (basement) sign board (BALAYAN BATANGAS)
Dumating ako sa PASAY bus terminal bandang 6:10am, kumain muna sa MCdonalds dahil hindi pa ako nag aagahan. Pag pasok ko sa bus terminal nakita ko na ang haba na ng pila at puno na ang papuntang NASUGBU,kaya naghintay muna kami sa susunod na TRIP May dumating nga kaso hanggang TAGAYTAY lang siya. Ilang minuto pa lang ang lumipas ay meron na ding Nasugbu na bus ang dumating. Baka nagtataka kayo kung bakit nasugbu ang sinakyan namin?. Kasi ang 1st destination namin ay CALERUEGA (CHURCH OF TRANSFIGURATION). Umalis ung bus saktong 7:00am. Habang bumibiyahe na at pagkalipas ng ilang oras ay biglang bumagsak ang malakas na ulan, kaya nag desisyon kami na ipagpaliban nalang muna namin ang pagpunta sa CALERUEGA.Nakapag bayad na kami na papuntang BRGY. BATULAO NASUGBU, ang pamasahe pala ay 111.00/person. Bumaba kami sa OLIVAREZ malapit sa McDo at sumakay ng TRICYCLE, mag jeep sana kami kaso nga malakas ang ulan. Ang Pamasahe sa Jeep 10.00 pesos papuntang picnic grove, 60 pesos naman kapag Tricycle. Pagdating namin sa hotel ay maganda naman ung ambiance at service, pero pagpasok ng hotel ay medyo naliitan ako, medyo mas okay pa ung sa HOTEL VEnIZ! sa BAGUIO compare sa VIEWPARK. Chineck ko kung may cable! kaso wala, pati DVD PLAYER na sinasabinila sa website wala din. Yun pala pang EXECUTIVE ROOMS lang daw un, na nagkakahalaga ng 3,000. What dah!?. So nagka idea na kayo kung how much ung room?, actually 1800 inclusive of breakfast na siya. haha. Ang room wala man lang dresser o kaya blower, ang CR malinis naman , kulang sa sabitan ng damit at extra towel. Sa Cabinet kulang ng Hanger. Sa room kulang ng extra table at walang baso. Pero sa CUSTOMER SERVICE okay! walang reklamo.
We have our rest, Dahil nga umulan instead na CALERUEGA ang 1st destination napunta kami sa PICNIC GROVE! Entrance 50 pesos. Sa Entrance maraming lalapit sayo at mag aalok ng horse back riding, I forgot how much the price was 250 pesos yata 30 minutes? I'm not sure ah. May lumapit na fixer ng kabayo para ma try ung horse back kaso hindi namin try kasi wala lang... Tapos may lumapit naman na fixer ata kung overnight daw, sabi namin meron na!..
Ikot muna kami, ang una kong nakita ung mga nag sasaranggola Tapos baba kami at nakita namin ang ZIP LINE and CABLE CAR. Ang Presyo CABLE CAR - 200/Head free ride kapag childred below 4ft
ZIPLINE - 200/HEAD 1way ride 300/head 2way ride..
Pagkatapos manood ng ZIPLINE, nagutom na kami. May nakita kaming parang resto ang name nya ay ALAMAT RESTAURANT. Dun kami kumain, affordable naman ang prize pero mahal pa din compare sa manila. Hehe. 150 pesos liempo and Kaldereta with chopsuey na ilang init na ata ung gulay at hindi pa kasama ang drinks. Nag order din kami ng garden vegetable salad! ang weird nga eh kasi may ONIONS. Dapat mag bubulalo kami kaso feeling ko hindi masarap dun. After kumain pumunta kami sa VIEW DECK CONFERENCE HALL, nandun malapit ung other side ng ZIPLINE. Mahangin dun at tanaw mo talaga ung TAal volcano. Meron dun stairs pababa papunta sa hanging bridge they call this ECO-TRAIL ADVENTURE tapos ung dulo nun papunta sa COTTAGE ng PICNIC GROVE (150-500 pesos). Nung nakarating na kami sa picnic grove, trail uli kami pataas, nag decide na kasi pumunta sa People's park in the sky. Nadaanan namin ung mga souvenir items, bili kami ng T-SHIRT worth 100pesos.
2nd Destination
People's Park in the sky - On the way to People's Park in the Sky galing picnic grove sumakay kami ng jeep sign board na people's park, ang pamasahe ay 7.00 pesos. Pag dating dun may entrance fee na 15 pesos. Maghanda kayo dahil medyo nakakapagod din para sa mga matatanda ang pag lakad dito pataas. Kasi nga above sea level na ito, mahirap makakuha ng OXYGEN. Madali kang hihingalin at mapagod. Ngunit mapapawi lahat ng pagod mo pagdating mo mismo sa itaas. Dalawang lugar ang pwede mong puntahan dito, isa yung PAlace mismo na hindi pa tapos at ung parang church or grotto lang. Pag pabalik naman, meron dung mga tricycle nakaabang at jeep pabalik ng olivarez.. Maganda dito pagmasdan ang sunset, kaso nun time pumunta kami, medyo makulimlim at malamig.
3rd Destination
(DAY 2) CALERUEGA CHURCH of TRANSFIGURATION - galing picnic grove sumakay kami ng tricycle papuntang OLIVAReZ. Puwede ring jeep, kaso that time bihira lang ung jeep kaya we decide na mag tricycle, ang pamasahe 60pesos uli. Bumaba kami dun sa JOLLIbeE malapit sa TAGAYTAY HOSPITAL para mag abang ng bus na ang sign board ay NASUGBU AIRCON BUS ang pamasahe ay 25/person. Galing OLIVAREZ bumaba kami sa BRGY. BATULAO NASUGBu harap siya ng EVERCREST subdivision, marami nang nakaabang na tricycle dun tapos sabiyin nyo lang na ibaba kayo sa CALERUEGA CHURCH. Take note! hindi pwedeng lakarin dahil 2KM! un. Best way talaga dito may kotse. Pagdating sa entrance, siyempre may entrance fee na 30/person tapos bibigyan kayo ng brochure ng mga wed ding packages and some other accommodations they have at wait pala! kelangan nyo kunin ung cell# ni manong driver,kasi walang transportation pabalik, ang way lang ay itext nyo ung driver na naghatid sa inyo para masundo kayo. Pag pasok mo parang may entrance uli parang lobby siya for me, dun mo makikita ung stairs na maganda tapos ung likod ng stairs ay kainan ng mga retreatans. After namin madaanan ung lobby, stairs uli paakyat. At doon mo na ma aaninagan ang CHurCH of TRANSFIGURATION. Ang ganda ng church pero ang maiksi ang aisle kasi maliit din ung church, pero kahit maliit lang siya, Napa ka solemn. First time ko to went here to attend 11am mass (11am lang mass nila every sunday)at PALM SUNDAY pa kaya maraming nagsimba dito, Napaiyak ako dito ah! nung kinakanta na ung LORD I OFFER MY LIFE TO YOU. Dito ko rin na pa bless ung necklace ko from ANTIPOLO CHURCH. After nung mass, libot libot muna tapos text si manong para magpasundo. Tapos sa harap ng evercrest wait ka uli ng bus papuntang olivarez.
4th Destination (RESTO)
RSM RESTAURANT - After going to CALERUEGA baba kami sa one destination place! dito located ung LESLIE'S, ANTONIO'S, STARBUCKS, MAX'S, CARLOS PIZZA, DENCIO'S, MILE-HI malapit din dito ung Rsm-LUTONG BAHAY. pati YELLOW CAB. Sa RSM kami napadpad, pagpasok namin dahil sa gusto kong ma experience ang overlooking! dun kami nag pa reserve ng seats at talagang over looking siya sa taal volcano. Ang pagkain dito medyo mahal! ang bulalo nila is worth 450.00php tapos ung amplaya na may hipon nsa 150, tapos order kami ice tea plus extra once rice. Ung bulalo nga hindi namin naubos pati ung ampalaya kaya we take it sa hotel para sa dinner.
5th Destination
(Day 3) PINK SISTER'S CONVENT - galing sa viewpark hotel sakay uli ng OLIVAREZ jeep. Pag baba sa metrobank sakay ka uli papuntang INDANG tapos tingin ka lang sa righ side na may nakalagay na this way to pink sister's convent right after ng TOUCH POINT SPA, baba ka dun at maglakad ka. Pwede rin siyang lakarin o kaya tricle. Ang ginawa namin nag triclce kami, ang pamasahe ay 30 pesos. Itong day three namin, pauwi na kami ng manila nito so nung pumunta kami ng PINK SISTER dala na namin ung bag namin. haha! feeling turista kami nun lalo naman ako! bag pack pa!. Nung nakita ko itonng simbahan na ito amaze me sa architecture nya. Pagpasok mo sa loob wow! kikilabutan talaga kayo, lalo na sa makikita nyo at maririnig nyo. Makikita mo ang mga madre na naka pink at hindi gumagalawa, nagdadasal lang sila sa pamamagitan ng kanta. Ung kanta naman nila walang wordings, ewan ko ah.. Kasi humming lang ang naririnig ko eh. After nun! my weird akong experience,while pointing my DIGICAM sa kanila, blurred pictures lumabas. Then try ko VIDEO, ang nangyari naman paalis na sila, kaya hindi ko rin nakuhanan. After nun, siyempre nagdasal ako tapos kumuha ako ng paper at isinulat ko ung mga prayers ko dun. Tapos ung paper ilalagay mo dun sa parang box, tapos ipag ppray nang mga nuns ung prayers mo.
After namin sa CHURCH naglibot muna kami at picture taking! bago tuluyan kaming umuwi papunta ng manila.
Going to tagaytay from Pasay
Mcdo PASAY to OLIVAREZ (BUS) 85/person
OLIVAREZ to PICNIC GROVE (JEEP) 10/person (TRICYCLE) - 60pesos
PICNIC GROVE to PEOPLE'S PARK (Jeep) 7.50/person
Going to Caleruega Church from Pasay
Mcdo PASAY to EVERCREST NASUGBU BUS AIRCON 111/person
EVERCREST to CALERUEGA TRICYCLE 50 on way and way back
Going to Caleruega church from Olivarez
Olivarez to EVERCREST NASUGBU BUS AIRCON 29/person
EVERCREST to CALERUEGA (TRICYCLE) 50 on way and way back
Going to Pink Sister's Convent from Pasay
Mcdo PASAY to OLIVAREZ (BUS) 85/person
Going to Tagaytay from Cubao
ALIMALL (ST. AGUSTIN BUS) to Tagaytay 85.00 pesos
FX/VAN at METROPOINT
-There's an FX at the basement of METROPOINT going to LIPA and BALAYAN BATANGAS 150/person
FX/VAN at STARMALL
-There's an FX at STARMALL going also to LIPA 150/person
Getting there by car:
If coming from Manila, take this route -- Roxas Boulevard --> Manila-Cavite Expressway (more popularly known as Coastal Road) --> Emilio Aguinaldo Highway.
The end of Emilio Aguinaldo Highway is the main rotunda of Tagaytay City, where the statue of Ninoy Aquino is erected and bounded by establishments such as BPI (Bank of the Philippine Islands) and 7-11.
Another option is to take the South Luzon Expressway (currently undergoing expansion) and exit at Sta. Rosa. Turn right upon leaving the Sta. Rosa toll and head straight to Tagaytay City. That road is the Sta. Rosa-Tagaytay National Road which ends at the rotunda near Tagaytay City Public Market. Turn right to get to the main rotunda.
Trip duration: about 1-1/2 to 2 hours
ENTRANCE RATE
-PICNIC GROVE 50/person
-CALERUEGA 30/person
-PEOPLE'S PARK 15/person
SOUVENIR
-TSHIRT 100/each white
-TSHIRT 120/each colored
RESTAURANTS/FOOD/CAFE
-RSM
-LESLIE'S
-SONYAS GARDEN
-ANTONIO'S
-Josephine Restaurant
-VIEW SITE RESTO
-DENcIO'S
-MAX'S
-STARBUCKS
-TERIYAKI BOY
-YELLOW CAB
-MILE-Hi
-BAG OF BEANS
-KITARO
-MUSHROOM BURGER
-T HOUSE
-Katrina's
-Mushroom Burger
-MASSIMO
ESTIMATED BUDGET IF DAY TOUR
-500-1000 pesos/person
ESTIMATED BUDGET IF 2 DAYS and 1 night (2 persons)
-HOTEL (1800-3000)
-FOOD (150-1000)
-Fare (100-600)
-Miscellaneous (1000)
THINGS TO BRING
-CHARGER
-DIGICAM
-DIGICAM CHARGER and extra battery
-TOOTH BRUSH AND TOOTH PASTE
-SACHET SHAMPOO and SOAP (overnight)
-JACKET
-UMBRELLA
-CEllphone
ZIPLINE RIDE
Weekday Rates
1 Way Ride = Php100 per person
2 Way Ride = Php200 per person
Weekend / Holiday Rates
1 Way Ride = Php200 per person
2 Way Ride = Php300 per person
__________________________________________________
CABLE CAR RIDE
Weekday Rates
1 Way Ride = Php100 per person
2 Way Ride = Php200 per person
Weekend Rates
1 Way Ride = Php200 per person
2 Way Ride = Php300 per person
__________________________________________________
SOUVENIR PHOTO
5"x7" picture with Frame = Php100
2 copies 5"x7" picture = Php100
__________________________________________________
SOUVENIR VIDEO
Zipline DVD Coverage 2 way from Harnessing to Landing = Php200
Cable Car DVD Video from start to finish of ride = Php300
TIPS!
-Magdasal muna bago bumiyahe
kwentadong kwentado ah? sige makapunta nga...print ko na lang ito blog mo...pag sakling nawala ako kaw me kasalanan...at pag kinulang ung budget ko kaw rin sisihin ko...bwahahaha..nice blog! kudos!
ReplyDeletenice one, been looking for a detailed and recent instructions on how to go to caleruega.... please post the anawangin cove trip if you may have the time after your trip =) thanks again
ReplyDeletevery detailed! this post should have been entitled tagaytay 101! thankies for posting. -bits & pieces
ReplyDeleteHi, pwedeng malaman how to get a booking in View Park Hotel? Their cellphone# and email address are both not working. Thanks.
ReplyDeletevisit their website at http://viewparkhotel.com ... nasa isang phone ko kasi ung kontak eh..
ReplyDeleteThis is a very informative blog. Thanks so much bro. You saved my (biglaang gala). Thanks tlaga! God Bless.
ReplyDeletei like it bro very informative
ReplyDeletematagal na akong naghahanap ng mas detailed na way kung pano pumunta ng tagaytay and i got more than what i was looking for. This is very informative and helpful. From now on, gagamit narin ako ng itinerary. THANK YOU VERY MUCH AND GOD BLESS!
ReplyDelete