Pages

Monday, October 13, 2008

Sa wakas nanlibre din

Isang Biyernes ng umaga nito lamang Oktubre 10, 2008 ay nasa field work ako.
Maulan na umaga ng gumising sa akin, tinanghali ako ng gising dahil sa lamig ay masarap matulog.

Pagdating sa express way tila bagang hindi na umaandar ang sinasakyan kong bus sa loob ng bente minutos. Hayz.. at last umandar din siya.

Pagdating ko sa aming cliente ay inayos ko kagad ang problema, subalit datapwa't ay medyo nahirapan ako dahil ang mga kompyuter nila ay mga luma na at medyo hindi na maaasahan. Sa tulong nang aking kakayahan at pananalig sa itaas ay na solusyunan ko.

Nang ako ay papauwi na, umuulan pa rin. Sumakay ako ng Jayross bus sa Coastal Road. Aba, kaunti lang ang pasahero ang lulan nito. Umupo ako sa harap at nagbayad ng pamasahe ko na nagkakahalaga ng anim na put anim.

Nasa bandang makati na ako ng biglang mag text ang aking kaibigang si Prince, Tinatanong nya kung nasaan ako dahil nasa Megamall daw siya. Sabi ko sa kanya ay nasa field ako pauwi na. Tinext ko kagad si Rommel kung may lakad ba, dahil nag text sa akin si Prince. Sabi ni Rommel mag kita daw kami at manlilibre siya dahil kaarawan nya sa darating na Oktubre 15.
Nagplano na magkikita sa SM Megamall.
Pero may isang problema, ako ay nakapagbayad na ng pamasahe.

Tinawag ko ang konduktor ng maayos at kinausap na sa Megamall nalang ako bababa. Pumayag naman ito kahit may alinlangan, dahil malayo na ang serial number ng ticket ko sa ticket nya. Kaya ang ginawa nya ay pinagpalit nya ang ticket ko sa ticket ng iba, Para lumapit ang serial number.
Salamat sa konduktor.

Pagdating ko ng SM Megamall ay nagkita kami ni prince sa CYBERZONE at dumiretso sa ST.Francis para kumain muna ng pika pika. Nag tokneneng kami sa itaas at doon ay may tumutugtog ng piano isang babaeng intsik at sumunod ay si lolo.

Ang galing nila at ako'y namangha sa kanilang performance. Frustrated pianist kasi ako, Alam ko kumapa nga piyesa sa pamamagitan lamang nag pakikinig. May alam naman ako kahit papano, Ung CANOND D sa my Sassy girl subalit ngayon ay limot kona. Alam ko rin mga chords sa piano, pero ngaun limot ko na din.

Pagkatapos namin kumain ay bumili muna kami ng CD at saka naman dumating si ROMMEL. BUmalik uli kami ng SM MEGAMALL para makapag isip kung saan kami kakain, ang una naming pinuntahan ay sa food court Lydias Lechon, sumunod ay TOKYO TOKYO, at sa CHEF DONATELLO na naisipan naming kumain dahil inaya kami ni Leah sa promo nilang 444.00 busog ka na.

Umorder na kami ng pagkain, at biniro namin si ROMMEL na sa wakas after TWO YEARS nanlibre ka na!. Hehe, Wag ka magagalit mhel, heheh. Habang hinihintay namin ang order ay nagkuwentuhan muna kami.

Kami ay busog na busog dahil masarap ang pagkain lalo na ang baby back ribs.
Ang problema lang na napansin ko ay mabagal ang kanilang service, pero approachable naman lahat ng crew members.

Nang ilalapag na ang Black forest cake, ay biniro ko ang manager nila na kung pwede makihingi ng candle. Si rommel ay sinampal ako, hahha! kasi nahihiya siya, Pero alam ko biro lang ung sampal nya. HIndi kagad kami tumayo sa kinauupuan namin dahil sa sobrang busog nga. Nang paalis na kami ay tinawag ko si Leah at nakiusap kung pwede kami kunan ng litrato as remembrance. Hihi..

Happy 25th Birthday Rommel Fermo!. Kampay!

No comments:

Post a Comment