Pages

Tuesday, January 20, 2009

Hold up

Hold up - a forcible stopping and robbing of a person.

Galing akong Emission dahil ako ay nag test ng EE WEBCAM. Pauwi na ako nun sabi ko kay Jen, hintayin nya ako para sabay kami umuwi. Niyaya ako ni kuya rhe mag merienda muna sa tindahan. Matapos kaming mag merienda ay nagulat ako ng wala na si jen doon, palagay ko ay umalis na siya nun dahil cguro palagay nya na umalis na din ako. Nag kuwentuhan muna kami ni kuya rhe, matapos nya mag yosi ay sumabay na ako sa kanya sa motor at ibinaba nya ako malapit sa Jollibee V.Luna East ave. Tumawid ako papuntang Jollibee para mag abang ng masasakyan, ilang minuto pa lang ang lumipas ay di pa rin ako nakakasakay kaya nag desisyon ako na maglakad at mag-abang sa banda dun KFC/BPI waiting shed.

Habang ako ay naghihintay ay namataan ko itong tatlong lalaki, akala ko ay dadaan lamang sila sa likuran ko.Hindi ko namalayan na hold up na pala. Inakbayan ako ng nakaputing lalaki sabay tutok ng patalim sa aking likuran sabay sabing huwag ka ng pumalag ibigay mo na lahat ng gamit mo at cellfone. Sa Pagkakabigla ko ay ibinigay ko nalang lahat "WALLET na may lamang 600", "A4tech WEBCAM, USB FLASH DRIVE 1gb Kingston, NOKIA 6300 CELLFONE, TIMEX WATCH, COMPANY id. Kahit ung isa kong bag na dalawang linggo ko palang nagagamit ay hindi nila pinatawad. Sa mga oras na yon ay naisip ko kagad ang aking pamilya, ung kapatid ko, at mga mahal ko sa buhay. Nang malimas na nila gamit ko ay, dali dali akong tumakbo pabalik sa Emission dahil para humingi ng pamasahe, nataranta na ako nun balisang balisa,hindi ko alam kung iiyak ako o magagalit. Pagdating ko sa Emission ay nandun si kuya Em at sinabi ko na na holdup ako, sabay biglang dumating si sir Jn at sinabi na pumunta ako ng Brgy. Hall para mag pa blotter at sinamahan nila ako papunta dun. Doon ay tinanong ako ng mga tanong gaya ng pangalan ko, tirahan ko, ano ang mga nawala sa akin, kasama ang pangyayari. Sabay pinapunta ako kay chief ba un, at nagsalaysay ng pangyayari, meron pa ngang isa dun na ang sabi sa akin, hindi mo ba maaring kalimutan nalang yan?(hello, fresh pa sa kin ang pangyayari, does he think na makakalimutan ko kagad yun?). Wala rin naman silang nagawa kaya pinasama nila ako sa mobile ng pulis station 10 para mag ronda sa lugar ng pangyayari, baka kasi umaaligid aligid pa daw ung nang holdup sa akin. Nag ikot kami ng dalawang beses subalit hindi ko nakita ang mga nang holdup sa akin. Kaya dumiretso na kami sa POLICE STATION 10 at nag pa blotter. Kinausap ako ng isang police doon at nagpasalaysay ng pangyayari, Nagkuwento nanaman ako. Ang ikinasasama lang ng loob ko ay, imbis na matulungan nila ako ay parang lumalabas pa na gumagawa lang ako ng kuwento. Dahil sa ako'y shock pa hindi ako makapag explain na maayos, nanginginig pa ang boses ko at namumutla ako. Habang isinusulat ang blotter ni pulis ay tinitingnan ko naman ang mga photo gallery nila ng mga suspek nakailang tatlong ulit na ako ay wala talaga doon ung tatlong suspect na ng holdup sa akin. Ang tanging nasa isip ko nalang nun ay gusto ko na umuwi, hindi na rin naman maibabalik sa akin ang mga gamit ko. Bago ako umalis ay hihingi sana ako ng police report, kaso pinaghintay ako ng matagal subalit hindi ko rin naman ito nakuha. Tumawag din si jotn para kamustahin ako... Hayz.....

Nag desisyon nalang ako na umuwi, nandun si sir Jn sa police station din that time. Humiram ako ng pera sakanya para pamasahe ko pauwi. Sumakay ako ng walang wala, bitbit ko lamang ang 150.00- na hiniram ko. Pagdating ko ng bahay ay binigay sakin ng kapatid ko ung cellfone na niregalo ko sakanya, na touch ako..

Ito ang bahagi ng buhay ko na hindi ko makakalimutan at sana magsibling liksyon din ito sa iba.

Blessing pa rin dahil, hindi nakasama ang mga credit cards ko , ATM, at mga important i.d.. Higit sa lahat salamat at buhay ako..

Isang pagsubok nanaman ang nangyari sa akin. Ganito ba talaga kapag napapalapit ka sa kanya? Sinusubukan nya ang faith ko kung hanggang saan...

God is preparing you for something that is great ...















4 comments:

  1. ahh!! grabe, wala na talagang safe place dito sa PH.. di man nahuli ung mga sira ulo na nanghold up sayo pero dadating ung panahon na makakarma din sila sa mga pinaggagagawa nila.. over all, at least you're safe and nothing more than that happened to you.. lesson lang yan.. and promise me to be extra careful next time. stay safe Jeff and im sorry to what happened.


    -ayes

    ReplyDelete
  2. alam mo tama ka, kung kailan ka nagiging malapit sa kanya lalo ka niang bibigyan nag pagsubok to test your faith.

    " we all know that in everything God works for the good of those who love him, whom he has called according to his plan" Romans 8:28

    In simple words, "bad things in your life are needed for the good things to come.

    minsan kasi may ultimalte plan si God sa atin na hinde lang natin nakikita kasi ang pinagkakaabalahan natin ay yung paghihirap natin ngayon.kaya kailangan natin nang ganitong pagsubok sa buhay to be able to appreciate the beautiful and great design God has planned for our lives. be happy! and stay blessed! :)

    ReplyDelete
  3. Hindi na bago yang holdupan d2 sa East Ave and V. luna... napablotter mo na't lahat lahat.. wala pa ring mangyayari... uulit at uulit yan.. Buti na lng wala gnwa sau. Nxt time wag ka na dun sa me KFC part, madilim dun, prone sa holdup tlga dun.. Just be vigilant na lng sa lahat ng nasa paligid mo...

    ReplyDelete
  4. uu nga pasalamat ka na lang at la nangyari sa yo... ang tanong nagdasal ka ba bago umalis ng EE??? pray hard dre... next time maging tamang duda ka na lang para aware ka agad...GODSPEED...

    ReplyDelete