Pages

Monday, January 12, 2009

Natakot sa Dentista?

Nitong sabado lamang ay pumunta ako sa dati kong Dentista, dahil gusto ko ng matapos ang isang linggo kong paghihirap sa pagsakit ng aking ngipin, Kinain na kasi ito ng CAVITY kaya nagkaroon na ng butas. Sa bawat pagkain ko ay sumasakit dahil pumapasok ang kanin sa butas, at sa tuwing pag-inom ko ng malamig na tubig ay nangingilo ito. Kaya minabuti ko na huwag nang patagalin ito, dahil ayaw ko nang mauwi ito sa malalang sitwasyon (sa bunot ng ngipin).

Pag dating ko sa Klinika ay wala pang tao, nakalagay dun alas nuwebe sila magbubukas ng umaga pero 9:30am na ay wala pa din siya. Makalipas ang 30 minutes na paghihintay ay dumating din ang dentista. May kasabay pala ako, sa tingin ko mag jowa ata or mag-asawa na?, ewan ko pero habang naghihintay kami na tawagin ang pangalan, nakikita ko silang naglalampungan sa sulok at pa Kodak Kodak pa sa DIGICAM nila, baka sa sobrang ka sweetan nila ay langgamin sila o kaya atakihin sila ng mga CAVITIES, hahaha!. Nauna silang tawagin dahil naka appointment sila, at ako naman ay naghihintay. Medyo naiinip na ako at buti nalang ay naalala ko na dala ko pala ung YOUTH BIBLE ko, nagbasa muna ako ng dalawang verse.

Nang ako'y isasalang na, pinaupo muna ako ng dentista sinabi ko na magpa-papasta ako ng ngipin. at itinuro ko ung ngipin kong may butas na sumasakit. Tinanong sa akin kung paano ba sumasakit, sabi ko kapag may pagkain lang na naipon sa butas at kapag iinom ako ng malamig. Nag-umpisa na ang pagtanggal sa nabubulok na part sa ngipin unti unti nyang tinatanggal ito, sa umpisa medyo okay lang pero nung nasa malalim na part at akma niyang tatanggalin ito ay natatamaan ung nerve sa gums kaya sobrang sakit ang naramdaman ko. Siguro mga limang beses nangyari iyon, napapa-angat ung puwet ko sa sakit at lumuluha ung mata ko. Matapos ang paghihirap ay natapos din ang pag pasta sa ngipin ko, pinag take ako ng Ibuprofen to lessen the pain. Pagkatapos ay nagbayad na ako at tiningnan ko ung record ko dun na 2006 pa pala ako last nag pa check up?! hello, ang tagal na pala. Kaya matagal, kasi na troma ako dun sa huli kong sesyon sa kanila sa pabunot nila. Ang sakit talaga eh...

Pero ngayon, I'll take time to take care of my teeth ayoko na mag ka cavities pa ung iba. Lagi naman ako nag tooth brush at dental floss pero bakit kaya ganun? nag kaka cavities pa din. Ayon sa aking nabasa isa ang pagkain ng matatamis(TSOKOLATE) o kaya acidic foods(COLA BEVERAGES) ang number one cause nito, sumunod ang depekto sa ngipin(TALAGANG MAY SIRA NA), mababang antas ng flouride sa ngipin at walang gaanong laway sa bibig.

Baka next week ay pupunta uli ako dun, if may "TAX REFUND kami". Ung litrato sa taas, hindi ko ngipin un ah!. Sa ngayon, under obsevation ung tooth ko, kung sasakit pa din siya ay ipapabunot nalang daw or root canal.

Ngayon di nko matatakot sa Dentista.. Hehehe...


1 comment:

  1. well i have experience toothache such as yours.I cant make a sleep and even eat much of hard foods Ive search the internet and found some dentistas site and Ive visited them and what a relief after my tooth was remove . great dentistas

    ReplyDelete