Pages

Tuesday, March 10, 2009

My blog was featured at WROCK 96.3 LRF

WROCK 96.3 LRF


I was shock when someone added me on my MULTIPLY account, "hi..was able to listen to last Feb. 21 episode of lrf over hayag.com..la lng.since fan dn aq ng lrf and i was able to find u,kaya eto po..hope i-add mo po ako..tnx.. " . Then I tried to look at hayag.com then search the Feb. 21 episode of lrf by Dylan and Cherry. Yeah! suddenly upon listening after an hour, I can't believe on what I've heard.....



Mamahalin mo ba ang taong kukumpleto sayo o ang taong kumpleto ang pagmamahal sayo?

Why would you choose that person?

Kumpleto ka kasi sa taong yun o mahal ka ng kumpleto ng taong yun?


I need your comments guys! thanks.....Leave your comments by clicking the link below..

July 28 ko na post itong questions na ito at ngayon lang ako magsusulat. Nung July 27, I send this questions to all my friends whose using globe sim. Haha. Eh kasi unli ako that time. Out of 60+ users ilan lang ang nag reply. Mga lima lang siguro. Si fascinating_ann lang ung nag reply ng medyo may sense. Visit nyo pala blogsite nya sa www.relasyon.blogspot.com. I heard this question sa 96.3 WROCK ni Paul and Cherry.

Mamahalin mo ba ang taong kukumpleto sayo?

Why not diba? kasi siya ang kukumpleto sayo?. Eh diba kapag nakakilala tau ng taong kukumpleto sa atin? masaya tayo?. So hindi malabong mahalin mo siya dahil she/he made you feel complete. Madaling madevelop ka sa kanya.

Halos lahat sa atin na kapag nagpakita ng kabutihan, pagmamahal at concern ang isang tao ay madali tayong nahuhulog, naiinlove sa taong iyon kaya nararamdaman natin na pinupunan nila ang kakulangan natin bilang tao. So nagiging kumpleto ka.

Pero ang tanong?. Pano kung ung taong sa tingin mo ay kukumpleto sayo ay hindi ka pala mahal? pinaramdam nya lang sayo na simula ng dumating siya sa buhay mo ay naging kumpleto ka pero bandang huli ganun lang pala talaga siya concern, kind, loving? pero nalaman mo na hindi ka nya mahal? anong gagawin mo?.

Mag-ingat dahil may mga tao talagang pinanganak na concern, loving and kind. Haha. Talaga lang ah?. Pero meron ding iba na lumalabas ang ganito nilang katangian kung may gusto sila sa isang tao..


Ang taong kumpleto ang pagmamahal sayo?.
-parang ito ung katagang "ok na kahit diko pa cya mahal basta alam kong mahal nya ako , dahil maututunan ko rin naman siyang mahalin."

Here is my opinion: Ang taong kumpleto ang pagmamahal sayo?

-Masaya magmahal lalo na kung mahal ka ng taong pinakamamahal mo lalo na kapag kumpleto ang pagmamahal.

Eh paano naman kung kumpleto naman ang pagmamahal sau pero he/she doesn't makes you feel complete? and wala ka namang nararamdamang pagmamahal sa taong kumpleto ang pagmamahal sayo?.

Karamihan sa tao ay pinipili nila ang choice na ito, mas okay daw na mahal sila ng tao kahit hindi pa nila ito mahal dahil in the span of time matututunan din nilang mahalin ang taong nagmamahal sa kanila.

Pero hindi ba nila naisip na paano kung in the middle of nowhere ay hindi pa rin nila mahal ang taong nagmamahal sa kanila?. Mabibigla ka nalang sa malalaman mo na ang taong akala mong nagmahal sayo ay pinag aralan ka lang palang mahalin. Diba ang pangit naman tingnan nun?
At eto pa, dapat mahalin muna natin ang sarili natin bago ang iba?. I think in this choice pinairal ung tipong desparada na sa paghahanap ng pagmamahal o di kaya minahal mo lang siya para suklian ang pagmamahal nya. Huwag kayong magalit ah! kasi un ang tingin ko.


To sum up:

For me mas pipiliin ko kung saan ako masaya dun ako, bago ang ibang tao so
I'll choose Mamahalin mo ba ang taong kukumpleto sayo.


Mamahalin ko ang taong kukumpleto sa akin! at bakit? dahil hindi naman ako magiging masaya kung ung taong yun ay hindi naman ako kinumpleto. Para sa akin ang buhay ko ay masaya na malungkot pero kapag nakakilala ako ng kumukumpleto sa akin, she makes me happy and feel special I begin to love her. Kaya malabo akong hindi ma inlove sa taong kukumpleto sa akin kahit na ung pakiramdam na un at kasiyahan na un ay panandalian lamang at kung may dumating man uli na kukumpleto sa akin ay di malabong mainlove uli ako.

I'm willing to take the risk.


Ako kasi ung tipo ng taong hindi sumusuko pagdating sa pagmamahal. Kahit pa na alam ko na ung taong un ay hindi ako mahal..




1 comment:

  1. umm..kung may tao man na kukumpleto sakin at mahal ko ung tao na un.., eh di tatangapin ko sya ng bukal sa loob ko...pero kung kukumpletohin nga nya ako pero wala naman akung pagtingin or pagmamahal...kahit anong effort ang ibbgay ko just to learn how to love him...cguro its useless na mahalin pa ung tao kasi at the end ikaw rin ung masasaktan n u will realize someday na nd tama ung ginagawa mo...so its better to love someone that loves you and syempre mahal mo din...

    ReplyDelete