Pages

Tuesday, May 19, 2009

Napadpad sa hindi inaasahan


Araw ng linggo pag gising ko ng umaga ay pagod na pagod ako dahil kagagaling ko lang sa outing ng PETC. Sa hapagkainan kami ay kumain ng almusal, at biglang may sinabi ang ermat ko na hindi ko nagustuhan, haha.. Nasagot ko tuloy, tapos bigla siyang iyak. Huhuhu. Kasi ba naman ang aga-aga tapos biglang bungad sa akin na..... (SIKRETO). So ayun nga umiyak mama ko hanggang pag-alis nya para pumasok, nawalan ako ng gana mag almusal kaya dumiretso ako ng kuwarto para mag mukmuk at mag reflect sa sinabi ko. Alam ko mali talaga ako, dahil nasagot ko ang ermat ko. Ayaw ko kasing kinukumpara ako sa ibang anak ng kasamahan nya sa trabaho o kahit kanino pa man. Nang nasa kwarto ako ay di ko mapigilan umiyak. Hayz... depress ako,wala akong magawa mapagsabihan ng nararamdaman ko, kaya kinausap ko nalang si GOD then sabay kuha ng cellfone at tinext ko ang mga kabarkada kong sila prince at rommel para yayaing magsimba.

Nagkita kami sa EVER COMMONWEALTH at kumain ng burger pati SUMO MEALS sa TOKYO TOKYO. Plano dapat namin magsimba sa Quiapo church, na naging STO. DOMINGO tapos naging MANILA CATHEDRAL. Sa paglibot libot namin ay nauhaw kami at uminom muna ng softdrinks. Alas tres ng hapon dapat kami magsisimba pero dahil sa kagustuhan nila na bumili ng hayop sa Aranque market ay hindi kami nakapag simba ng alas tres sa MANILA CATHEdrAl dahil kami ay NAPAdPAD sa CHINA TOWN ongpin street,. Habang naglalakad kami ay may nadaanan kaming resto at kumain nanaman. Paglabas namin ay biglang kumulimlim at dahan dahang bumagsak ang ulan. Buti nalang ay nakita ko ang simbahan at doon kami sumilong tapos nag decide na rin kami para makapag simba dun. Dumating kami ng mga alas tres ng hapon pero nag-umpisa ang misa ng alas kwatro ng hapon!. Grabe nga eh, talagang ipinadpad kami ng Diyos mapunta sa simbahan na yon, at hindi lang yan ah! dahil first time naming lahat nakapag simba sa San Lorenzo Ruiz Church. Ang ganda rin ng homily ng pare dahil its all about "LOVE". Pagkatapos na misa ay nag picture picture kami!.. hehehe...

Ewan ko ba?!. Pero na amaze ako sa structure ng simbahan na un, mala ROME.. hehe

1 comment:

  1. sounds familiar ah! kainis nga pag kinu compare tayo ng magulang natin sa ibang anak, since "anak" lang tayo, ang tendency para maplease ang magulang natin gagawin natin yung gusto nyang imahe na nakikita nya sa ibang anak, kaya tayo nawawalan tayo ng sariling identity... pero sa aking pananaw ang pgsagot sa magulang hindi naman natin intension na bastusin sila ang gsto lang natin na minsan meron din silang pagkakamali na dapat malaman na nakakasakit sa atin di lang bilang anak, kundi bilang tao.

    ReplyDelete