Pages

Monday, May 25, 2009

Sabado day!



Isang araw na, nakaka boring!. Pag gising ko ay inaantok pa ako, dapat nga maglalaba ako eh kaso tinatamad ako. Binuksan ko ang computer 8.30 am para tingnan kung sino sino na ang nasa chat room, Kasi magaganap uli ang DIGBYHOLICS FAN CHAT this time part 2 na siya!. 11:00 am inaasahan namin darating si MARIE DIGBY, kasalukuyan namang 8pm sa LOS ANGELES CALIFORNIA sa mga oras na iyon. Nang pumatak na ang 11am ay hindi pa rin siya dumadating lahat ng tao from other country na nasa chat room ay hinahanap na siya!. Pagkalipas ng 10 minutes ay dumating din siya sa nickname na Mdizzle. Lahat ay na surpresa sa pagdating nya, at umpisa na questions and answer sa chat room. Nagulat nga si marie at hindi nya expect na madaming tao sa room, 48 to be exact mas madami compare sa dati. Nagtagal ng 45 minuto ang FAN CHAT part 2.

Pagkatapos ng FAN CHAT 2 ay naligo na ako para naman puntahan ang mga kabarkada kong sila PRINCE at ROMMEL! sa SM Fairview dahil bibili daw si rommel ng BROTHER printer para sa balak niyang print shop business sa kanilang lugar. Pag kita kita namin sa basement ay kumain muna kami malapit sa supermarket food court sa isang TAPSILOGAN doon. Binili namin ang TAPSILOG pero hindi ito masarap. Matapos kumain ay libot libot muna kami tingin sa mga PHOTO STORE para tingnan ang mga price list nila. Ikot-Ikot uli, nagpa photocopy din ako ng requirements para sa student license. Matapos ang pag-iikot ay kumain nanaman sa MISTER DONUT at pumunta na kami sa ASIANIC para bilhin ang BROTHER printer na nagkakahalaga ng 3,500.00 pesos, scanner, photo printer and copier na siya. Mura talaga siya ah! at sa Asianic lang siya mura kasi sa iba mga nasa 150.00 ang patong. Kapag bumili ka ng printer ay makakatulong ka pa sa BAYANIJUAN isang proyekto ng ABS-CBN, ang 50.00 pesos dito ay mapupunta. Matapos ma demo ang printer at printer test ay panahon na para umuwi. Ayoko pa umuwi nun dahil nagutom nanaman ako at nag-aya akong kumain, hindi na sumama si prince dahil may pupuntahan pa daw siyang debut sa MAKATI.

Kumain kami ni ROMMEL sa TED'S OLD TIMES LA PAZ BATCHOY sagot kasi ni rommel ung 50.00 pesos hehehe. Wala pa din makakatalo sa La paz batchoy nila ROMMEL dati! the best pa rin yun! dati kasi meron silang BATCHOYAN. Matapos kumain ay pauwi na kami, nang biglang namataan namin ang isang store na "TRANSFER IT", pwede ka magpa customize ng shirt! na engganyo ako at nagpagawa din pinili ko ang black shirt at print na digbyholics.com. Habang pprint na, nagtanong pa si KUYA na "PPRINT na natin ito ah?" sabi ko naman oo kuya. Pagkatapos ma print?! paglatag ng T SHIRT! kulang ng letter c ung digbyholics.com so ang nangyari ay naging dibyholis.com?. haha! ginawan ng paraan kaso ang panget na! so nagpa print uli ako ng bagong shirt! but this time tama na ung print!. Grabe ahh.. mga 2 hours din ang tinagal namin dun! tapos Kain nanaman! sa CHOWKING!..

Nakakapagod ang araw na yun! enjoy naman, pero mas masaya sana kung kasama ko siya... :c

No comments:

Post a Comment