Pages

Sunday, June 14, 2009

sa umpisa lang daw masaya?

Sabi nila ang relasyon daw ay sa umpisa lang masaya, napag isip-isip ko na parang tama nga kasi sa lahat ng relasyon ko sa umpisa lang masaya (pero siguro nasasabi ko lang ito dahil wala pa ako sa dulo ng relasyon ko). Kapag naglaon na ay nawawala na rin, nawawala na ang dating pagmamahal na dati ay kay saya. Maraming dahilan kung bakit nagkakahiwalay ang isang mag-irog, nandyan ang selos, communication, pagbabago, third party at iba pa.

NOON

1. Dati call sa cellphone "UNYT 20" every friday and saturday magdamag magkausap.
2. Lagi mag ka text hindi maubusan ng sasabihin.
3. Madalas nagkikita halos ma miss kagad ang isa't-isa eh kakakita pa lang.
4. Kulang nalang langgamin kung magkasama sa di mataong lugar.
5. Kapag hindi ma ka text, ang isa nagpapanik na. hehe
6. Lagi nag sshow ng care ng love.
7. Kapag ang isa umalis, kapag medyo gabi na, tatawagan kung nasan na.
8. Lagi may time may communication.
9. Everyday usap ng 9pm bago matulog.
10. Tuwing morning text kagad nababasa, batian ng goodmorning. Alarm clock ang isa't-isa.

Ang saya kapag ganyan palagi no?. Pero gaya ng sabi ng iba "wala daw permanente sa buhay" ang meron lang ay "CHANGE". Paano kung lahat ng (NOON) yan or isa sa mga yan ay nawala?. Di ba dyan ka kakabahan? dyan ka magtatanong kung mahal ka pa ba nya talaga?. Siguro ang maganda dyan dapat pag-usapan ang problema ng pagbabago bago pa mahuli ang lahat, dapat malaman ang dahilan. Kung ano ba nangyayari talaga kung may pagkukulang ba? at kung bakit sa umpisa ay hindi na ganon gaya ng dati.

Kaya siguro sa umpisa lang daw masaya: dahil Kung mahal nyo ang isa't-isa and you find time to each other, trust, believe and have faith sa tingin ko ang sasabihin ko ay "hangga't sa dulo meron din namang masaya".







1 comment:

  1. ang hirap naman i-maintain at i-sustain ng "noon"... at hindi naman talaga forever na ganyan ang gagawin ng magka-relasyon. dahil kung hanggang ganyan lang ang batayan ng "masaya", hindi tatagal ang relasyon. kilig part lang yan.

    sa paglaon, ang kasiyahan ng relasyon ay nagbabago. hindi ung "sa umpisa lang masaya." iba lang kasi ang kasiyahan sa simula sa kasiyahan pag nagtagal na kayo.

    basta ganun. komplikado hahaha. pero masaya ang buhay.

    salamat pala sa pagbati. :)

    ReplyDelete