Kagabi lamang habang papauwi kami ng Manila galing Balayan Batangas para mag install ng eagle eye naganap ang hindi namin inaasahan.
Ang daan sa cavite, tagaytay ay puro pa kurba at madilim pa. Habang binabagtas namin ang daan ay biglang may namataan si manong driver na nasiraang truck. Tipong biglang preno ung Van na sinasakyan namin dahil dapat mag oovertake kami nun, kaya nag preno kasi baka merong sumulpot na sasakyan sa kabilang lane. At nang pumreno na ung Van na sinasakyan namin ay biglang may narinig nalang akong malakas na kalabog sa likuran. Dahan dahan akong lumingon patalikod para tingnan ang iba pa naming kasama ni jonathan na pasahero. May nasaktan na isang matanda hawak hawak ang batok niya, Nakita ko din ung isang babae na hawak hawak ang kanyang ulo.
Lahat kami ay nagulat sa mga nangyari, Dalian bumaba ang nakabangga sa amin at chineck up kami kung may nasaktan sa amin. Bumaba kami at doon ko nalaman na isang jeepney pala ang may sala. Dumating ang mga pulis para imbestigahan ang pangyayari habang kami naman ni Jonathan ay nag vvideo, un nga lang nakalimutan ko ung memory card ko sa bahay kaya bukas ko nalang upload ung video. Habang nag-uusap ang magkabilang panig ay patuloy kami sa pag video ni jonathan ng biglang meron nanamang muntik ma aksidente na isang truck at suv, at sumunod ang dalawang bus.
Nagpapasalamat kami sa Diyos dahil buhay pa kami at yun lang ang nangyari sa amin. Ung tipong hindi malala kasi kung nagkataon na may nakasalubong kaming truck at umiwas ung van namin, malamang sa bangin kami pupulutin. Hayz..
Masarap mag field pero kalakip nito ang aksidente. Kung may insurance lamang kami sa kumpanya na pinagttrabahuan ko ay malamang mas masarap mag trabaho. Nakaka trauma ang mga pangyayari...
Sa totoo lang, ang hirap ng ginagawa namin magkabit ng eagle eye camera. Si tanjo nga eh natumba sa upuan habang nag sscrew buti nalang hindi malala ang pagkakabagsak niya..
Tapos na namin ang REGION 4A. At sana wala na talagang gumawa ng Non-Appearance sa Eagle eye.
No comments:
Post a Comment