Pages

Thursday, October 15, 2009

Tadhana

Isang masamang panaginip ang gumising sa akin

Ala-alang di nabubura sa aking puso at isipan

Minsan nagbiro sa ‘yo ang tadhana

O bakit pa binigay sa ‘yo kung babawiin lang?

Sa halip nagpapasalamat

Natuto sa naranasan

Pinalipas ang lahat-lahat

Sa lalong madaling panahon

Subalit kung babalikan

Handa akong harapin ka

Hanggang kinabukasan

Maraming pamamaraan na nalalagay tayo sa sitwasyon na kung saan ay nasasaktan lang tayo sa bandang huli. Lahat tayo ay dumaranas ng pagkasawi at sakit sa piling ng mga tao na minahal natin. Bagama't sa simula ng ating pagkasawi ay nagtatanong tayo at naghihinanakit kung bakit kailangan nating dumanas ng ganito, ipinapakita pa rin sa awit na ito ang dapat na maging pananaw natin sa bandang huli “…sa halip nagpapasalamat...natuto sa naranasan”. Sabi sa Roma 8:28, ang lahat ng pangyayari ay pinapahintulutan ng Diyos para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa Kanya. Katulad ng isang doktor na kailangang bigyan ng mahapding pang-gamot ang isang batang may sugat, ang mga pangyayaring ito ay kailangan nating tanggapin at tingnan sa positibong pananaw. Aminin man natin o hindi, and mga karanasan natin ay sadyang turo sa atin para hindi na magkamali sa mga susunod na panahon. Ang mga ito rin ay sandigan natin para maging matatag at labanan ang buhay. Sa kabilang banda, may mga pangyayari na alam na natin ang kahihinatnan pero sinusuway natin ang katotohanan at kung minsan pa nga eh binibigyan pa ng katwiran ang isang napakalinaw na mali. Ang mali ay mali.

Gamitin natin ang ating isip, pang-unawa, makinig sa mga taong malapit sa atin at may kakayahang magpayo ng tama. Sa ganitong pamamaraan, puwede pa rin tayong matuto ng hindi natin kailangang danasin ang ibang masakit na sitwasyon….



Minsan nagbiro sa ‘yo ang tadhana

O bakit pa binigay sa ‘yo kung babawiin lang?


Tadhana song by: Kitchie Nadal
Article: Vilma

No comments:

Post a Comment