Matagal tagal na rin pala akong walang entry sa blog. Pasensya na sa mga readers ko dahil ako ay medyo busy sa trabaho. Kung mapapansin nyo sa facebook account ko ay marami akong mobile uploads at ang litrato ay iba't ibang lugar merong REGION 1, 2, 3 and 4 dahil ito sa trabaho ko, may kinakabit kaming isang aparato sa mga clients namin sa LUZON.
Masaya itong trabaho ko lalo na kung pumupunta sa iba't ibang lugar hindi ung naka tengga ka lang sa opisina dahil marami akong nakakasalamuhang tao, nakikilala, nagiging pamilyar sa isang lugar na dati rati ay sa mapa ko lang nakikita. Ang buong Luzon ay medyo kabisado ko na lalo na kapag commute maliban lang sa BICOL REGION at QUEZON. Ang isa sa hindi ko malilimutang karanasan ay nitong nakaraang linggo lamang nang papunta kami ng ROXAS Isabela, naranasan kong sumakay sa taas ng bubong ng JEEPNEY!! isipin nyo un!? dahil walang choice na iba pang masasakyan kesa naman maghintay pa sa mga pasaherong lulan kami nung una ay naghihintay pa, kaya dito na kami sumakay sa punuan. Isa lang ang masasabi ko! ako ay masaya pagkatapos ng adventure na un! ang sarap sumigaw, para ngang gusto kong isigaw lahat ng hinanakit ko sa mundong ibabaw. Kaso hanggang yahoo!! lang ang sigaw ko at tawa ng tawa dahil habang umaandar ang jeep ay tumatama sa mukha mo ang maliliit na insekto dahil sa kaliwa at kanan ng daan ay puro bukirin.
Masaya maglakbay dahil nakakalimutan ko ang mga problema ko, nalilimutan ko dahil sa magagandang tanawin tulad ng mga bundok, bukirin, kakahuyan, ulap at kalangitan. Kapag nakakita nga ako ng bukirin ay naaalala ko ang FARMVILLE. Haha!. Habang tiningnan ko ang tanawin sa labas ay marami akong naiisip, tulad ng Paano kaya kung ang bukiring ito ay napuno na ng mga bahay?, paano nalang kung ang mga bundok ay tuluyan ng nakalbo?, paano nalang kung walang magsasaka na nagisisikap araruhin ang palayan para lang tayo ay may makain?. Nakita ko ang isang magsasaka, kasama ang kanyang kalabaw ay inaararo nila ang sakahan. Nakikita ko silang hirap sa pagsaka dahil mano mano lamang ito kumpara sa iba na ang gamit nila ay de makina na. Sa probinsya mo malalasap ang sariwang hangin dahil marami pang puno dito, napansin ko nga na pag-uwi ko dito ng manila ay nakakapanibago sa paghinga dahil mausok. Hayz! parang ang sarap tumira sa probinsya kaso mukhang hindi ko kakayanin tumira doon lalo na kung walang internet! para mag facebook, twitter, check email, yahoo messenger at iba pa. Sa ngayon ang susunod yatang destinasyon ay CEBU na? pero ewan ko lang kung matutuloy ito dahil medyo malaki ang budget na kinakailangan dito. So hanggang sa susunod nalang uli.

buti pa kayo daming lugar na napupuntahan.. kami puro verification lang ng mga errors hehehe :P
ReplyDeletebuti ka pa ang daming napupuntahang lugar.. kami puro verfication lang ng errors hehehe :P
ReplyDelete