Pages

Wednesday, March 03, 2010

CAPONES ISLAND ikalawang yugto





Capones Island, ang ganda ng islang ito ay malalaman mo kung mag sstay ka dito ng isang araw na para bagang ma aadapt mo ang buhay ng islang ito. Ito ang islang tumatak sa akin, masasabi kong bahagi na rin ito ng aking buhay. Hindi ko lubos maisip kung anong meron sa islang ito at kung bakit lagi kong gustong tingnan ang litrato. Kung pwede nga lang buwan buwan ay nandito ako, ay gagawin ko.

Sa lugar na ito, dito ko naramdaman ang kapayapaan sa puso ko, kapayapaan para sa sugatang puso na naghihilom pa lamang, kapayapaan para sa pag-iisip para hindi ka mabaliw sa kahit anong problema. Malayo sa problema sa ka Maynilaan, malayong malayo sa pighati ng puso ko na malimit kong nararamdaman tuwing nasa Maynila ako.

Dapat talaga sa Potipot kami pupunta kaso dahil sa kumento ng iba na hindi na tahimik doon ay nag decide nalang kami na mag Capones ulit at hindi ko iyon pinagsisisihan. Madami akong na realize dito, dito ko lahat ibinuhos ng kalungkutan at kasiyahan ko na parang wala nang bukas. Salamat sa mga kaibigan ko dahil nandyan kayo.. hehe..

Sana ang islang ito ay wag patayuan ng mga buildings, sana ma maintain ang ganda nito para maraming makinabang sa mga hinaharap pa.



No comments:

Post a Comment