Pages

Friday, June 24, 2011

HL Round 5? [tagalog]

Marié Digby, BU album Japan ED
Kahapon ay isang karanasan nanaman ang dumagdag sa hindi ko malililimutan. Isang napakalakas na ulan ang bumungad sa akin paglabas ko ng opisina, buti nalamang ay may nakaabang na sasakyan papuntang Robinson at dali dali akong sumakay dahil ayaw kong ma late sa aking kikitaing kaibigan sa greenhills.
Kaarawan ni Meanne noong isang linggo, pero kahapon nya lang  ipinagdiwang dahil doon lang siya nagkaroon ng oras. Tatlo dapat kami kahapon kaso hindi nakapunta si Ayes dahil sa sama ng panahon. 

Pagdating ko ng Galleria ay basang sisiw na ako at nasira pa ang payong ko sa lakas ng hangin, mabilis akong naglakad dahil ayaw ko mahuli sa aming usapan. Pagdating ko sa sakayan ng jeep ay nagulat ako dahil traffic at walang masakyang jeep o bus. Ang ginawa ko? naglakad ako papuntang greenhills, maniwala kayo't sa hindi, Sobrang lakas ng ulan nun basa na ang pantalon ko at sapatos. Pero dahil sa nakaugalian ko na ayokong pinaghihintay ang isang babae once may usapan ay nagawa kong maglakad at magpabasa ulan. I texted Meanne "I'm wet, haha", Sabi naman nya "Hahaha Sino bang  hindi?." So tagumpay, nauna ako sa greenhills at siya ay nasa biyahe pa lamang. Nag ikot ikot muna ako sa mall tumingin ng mga CAMERA, LAPTOP at iba pang gadgets.
Happy Lemon treat



Nagkita kami sa Happy Lemon, medyo nauna ako ng dating sa kanya. Pagdating nya eh naka uniporme siya at pansin ko na pumayat siya, sabi nya sa damit lang daw. Pero hindi eh. Well na miss ko siya ah parang ilang siglo na ang lumipas bago kami nagkita. hehe. Wala pa ring nagbago kung mag-usap kami, kwentuhan  at tawanan. Habang nag kukuwentuhan ay nilabas ko na ang regalo ko sakanya at pinahulaan ko. Binuksan nya ang regalo ay kitang kita ko at dama ko ang kasiyahan sa kanyang mukha. Well sabi nya that's the best gift she had so far. I'm happy yesterday that someone appreciated my simple gift. Pinictureran ko siya, then kami tapos umuwi na kami bandang alas siyete ng gabi dahil ayaw ko din siyang gabihin at ma stranded sa greehills kahit malapit lang ang bahay nila sa lugar.

Worth it naman ung sacrifice na ginawa ko, mabasa, maglakad, magmadali dahil ayoko ma late at sinugod ang lakas ng ulan. Sa totoo lang puwede namang hindi ituloy ang lakad na iyon, kaso ang nasa isip ko ay minsan lang siya mag-aya tatanggihan ko pa ba? eh parang hindi ko yata kaya iyon dahil close siya sa akin, at baka hindi na dumating ang pagkakataong iyon. 


Thank you so much Meanne, sa uulitin.. ;)

No comments:

Post a Comment